moving on…
at dahil chinat mo ako at nag-skype tayo ngayon, ikaw ang napili kong inspiration para sa post na ‘to.
limot ko na kung umiyak ako nun ng dahil sa’yo. malamang oo. pero ngayon, parang.. wala lang. ni hindi ko na nga maalala yung mga nangyari nun eh. kahit pilit kong alalahanin, wala na talaga.
pero ang natatandaan ko nun, after more than a year, finally, naka-move on na din ako sa’yo. oo nga, matagal, pero super worth it naman lahat. after ng isang taon, parang nawala lahat na parang bula. yung pag makikita kita, ang feeling ko para ka na lang isang kaibigan na matagal ko nang hindi nakita. tapos kamustahan lang, ganun lang ka-simple.
ang sarap lang maranasan ng ganitong pakiramdam. kung dati naiisip ko na imposibleng maging magkaibigan pa kayo ng walang ilangan, galit, tampo, sakit, luha, at kung ano pa mang emosyon ang gustong ilabas ng puso mo, ngayon masasabi ko na possible pala talaga lahat yun. kelangan mo nga lang magtiis at mag-intay ng tamang oras. kasi nga love takes time to heal when you’re hurting so much. napatunayan ko talaga na Time heals all wounds. ang problema lang, gaano katagal?
nasa-sa’yo na naman yun kung gaano katagal kang magmumukmok at iiyak sa isang sulok dahil nasasaktan ka pa din sa taong hindi naman para sa’yo. kung kayo talaga ang nasa plano ni God, sa huli kayo pa din talaga. yun nga lang ang problema eh, patience. yung iba kasi masyadong nagmamadali akala mo naman mauubusan ng partner dito sa mundo. kaya minsan nauuwi sa sakitan lang. pero yung iba namang swerte, eversince the world began ay sila na pala talaga <3
madami akong kakilala ngayon na nasa-stage pa lang ng gusto na nilang mag move on. sobrang nahihirapan sila. sabagay, wala namang bagay na madali sa umpisa di ba? lagi ko na nga silang binibigyan ng payo pero mukhang wala pa ding epekto. basta alam ko paglipas ng ilang oras, araw, linggo, buwan, o taon pa man yan, ma-aabsorb na din nila yung mga sinabi kong payo. (based from experience kasi lahat ng yun. at effective pa.)
IKAW. alam ko namang hindi mo ‘to mababasa. at kaya ako naglakas loob na mag-post dito kasi nga hindi mo ‘to mababasa. salamat sa lahat noon. alam kong matagal na yun kaya nga hindi ko na din maalala ang mga nangyari pero lahat yun nagbigay sakin ng leksyon at nakatulong upang mas gumanda pa ang aking buhay. echos. masaya lang ako na okay lang tayo, parang wala lang. alam kong magkikita tayo ulit at sana sa pagkikita nating yun wag mo nang sabihin yung favorite mong line na “taba!” at kung ikaw talaga ang nasa plano ni God para saken… JOKE! wag na please, may bagong crush na ako ngayon. move on na pati ako sa’yo. friends na lang tayo ‘kay?? :))))
ahhhhhhhh :D i love hugs!
Can I hug you? :”>
(Source: lovequotesrus)
Hahahahaha. It seems that there is something missing in their face. XD
When someone insults you and says "just kidding," but you know they really meant it
Don’t say you love me unless you really mean it | Courtesy
FOLLOW BEST LOVE QUOTES ON TUMBLR FOR MORE LOVE QUOTES
Patrick: Yeah, I get called that a lot.
Spongebob: What, a genius?
Patrick: No, Patrick.




